Kapag itinaas ang ORANGE RAINFALL ADVISORY ng PAGASA, inaalerto ang mamamayan sa…
Kapag itinaas ang ORANGE RAINFALL ADVISORY ng PAGASA, inaalerto ang mamamayan sa posibleng paglikas dahil sa matinding pag-ulan na mararanasan sa loob ng 1 oras at tatagal hanggang 2 oras. 15-30 mm/hr (intense) na dami ng ulan ang inaasahan.
Sa YELLOW RAINFALL ADVISORY naman, inaabisuhan ang mamamayan na magbantay o mag-monitor sa lagay ng panahon dahil sa malakas na pag-ulang mararanasan sa loob ng 1 oras at tatagal hanggang 2 oras. 7.5-15 mm/hr (heavy) na dami ng ulan ang inaasahan.
Nakataas ang ORANGE RAINFALL ADVISORY ngayon sa mga lalawigan ng Davao Oriental, Compostela Valley at Surigao Del Sur, habang YELLOW RAINFALL ADVISORY naman sa North Cotabato, Davao del Sur at nalalabing lalawigan ng rehiyon ng CARAGA tulad ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Leave a Reply